top of page

RESBAKUNA KIDS: School-based COVID-19 Vaccination sa San Juan Elementary School


Isang matagumpay na programa ang naganap sa paaralang Elementarya ng San Juan (SJES) at ito ang RESBAKUNA KIDS School-Based COVID-19 Pediatric Vaccination, na may temang “Bida ang Bata, sa Resbakuna”. Ito ay naganap noong Huwebes, Marso 10, 2022 sa Conference Room ng nasabing paaralan. Ang programang ito ay upang paigtingin pa ang programa sa bakuna laban sa COVID-19 ng ating mga mag-aaral na may ed at 12-17 na taong gulang. Ito na rin ay bilang paghahanda sa nalalapit na face-to-face classes para sa ligtas na Mag-aaral, Paaralan at Pamayanan Vaccination Program sa SJES. Ito ay dinaluhan ng mahigit sa 100 mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng San Juan.


Ang programang ito ay hindi magiging matagumpay kung hindi sa pamumuno ng masipag at magaling na punongguro ng SJES, si G. Lloyd T. Tulaylay. Kasama niya ang kaniyang School Health Coordinator na si Gng. Anna May M. de Leon at ang School Health Core Team na kinabibilangan ng mga guro, mga magulang at GPTA Team sa pamumuno ni Gng. Julie Obong at Non-Teaching force sa pamumuno ni Gng. Lotis Domingo. Ayon sa punongguro na si G. Tulaylay, “We care, para sa ligtas at masayang paglilingkod upang maihatid at maitawid ang mga gawaing pangkalusugan para sa mga mag-aaral ng San Juan”.

Nagpasalamat din ang pamunuan ng paaralan sa SGOD Chief Education Supervisor, Dr. Dominique Rivera, kasama si Division Nurse Via May Popes maging ng masipag na Schools Division Superintendent, Dr. Cecille G. Carandang, CESO VI sa pagpili sa paaralan upang pagdausan ng vaccination program. Hindi magiging posible ang gawaing ito kung wala ang suporta ng City Health Division ng lokal na pamahalaan at ng butihing alkalde Mayor Francisco Javier Zamora. “Patuloy pa nating suportahan ang mga susunod pang school-based Resbakuna Kids,” wika ni Gng. De Leon.


Credits:

San Juan Learners and Parents

Schools Division of San Juan

LGU





Article Written by:

Anna May M. de Leon

SJES School Health Coordinator

Komentarze


Featured Posts
Archive
bottom of page