top of page

Limited F2F classes sa KES, nagsimula na!

Noong ika-21 ng Marso taong kasalukuyan, muling nakilahok ang Paaralang Elementarya ng Kabayanan sa Phase 2 Expansion ng Limited Face-to-Face Class para sa mga mag-aaral na nasa ikaapat na baitang hanggang ikalimang baitang. Nakiisa sina Dr. Cecille G. Carandang, CESO VI, ang kaniyang katuwang na tagapamanihala Dr. Buenafe E. Sabado, at ang Hepe ng Curriculum Implementation Division, Dr. Helen G. Padilla, na dumalo sa naturang pagbubukas upang maipamalas ang kanilang mainit na pagsuporta sa naturang paaralan.

Maliban sa kahandaan sa pagtuturo, nakalatag din ang health protocols para sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral na sumasailalim sa Phase 2 Expanded Limited Face-to-Face Classes. Pinaglaanan din ito ng pondo upang magkaroon ng mga gamit pang-disinfect sa bawat klasrum ganundin sa paligid ng paaralan. Ito ay naging matagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng Dibisyon ng San Juan, ng lokal na pamahalaan, at mga magulang upang tiyaking ang lahat ng mga desisyon at galaw ay alinsunod sa mga itinakdang batas. Malaking bagay na nakapagsagawa rin ng mga benchmarking activities sa mga naunang pampublikong paaralang nagpatupad ng ganitong hakbang.


Masaya at masiglang sinalubong ng mga guro ang kanilang mga mag-aaral. Hindi maitatago ang kagalakang naramdaman ng mga bata. Ang mga ngiti ng mga munting angel na ito ang naging inspirasyon ng kaguruan upang lalong pagbutihin ang pagtuturo para sa kinabukasan ng mga mag-aaral sa kabila ng mga hamon hatid ng pandemya.





Article Written by:


Lexter M. De Belen

Teacher II

Kabayanan Elementary School

Comments


Featured Posts
Archive
bottom of page