top of page

LGU, Nagkaloob ng mga Telebisyon sa SJNHS


Nagkaloob ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng San Juan sa pamumuno ni Mayor Francis Javier Zamora noong Setyembre 19, 2022 ng 74 units ng 55” na LG Smart TV sa San Juan National High School (SJNHS) bilang pagpapataas ng kalidad ngedukasyon at pagpapaigting sa pagiging SMART City ng lungsod sa panahon ngayon ng Digital Era.



Nagpasalamat naman nang lubos ang punong-guro ng paaralan na si G. Cesar A. Camayra sapagkat malaking tulong ito upang mapagaan ang gawain ng halos 150 mga guro. Hindi na sila magdadala ng napakaraming mga bagay o bitbitin sa loob ng klase upang magturo. Magagamit na rin ng ang mgainihandang video lessons, power point presentation, at iba pang paraan ng pagtuturo gamit ang makabagong teknolohiya sa mas maayos na paraan. Kayaagad na isinagawa noong ang pag-i-install o pagkakabit ng mga telebisyon sa bawat silid-aralan, sa silid-aklatan, at mga opisina ng paaralan.


Higit sa lahat, nakinabang dito ang 3, 216 na mag-aaral upang lalong maganyak ang mga ito sa kanilang pag-aaral.


Napadadali angpagkatuto at mas napayayaman ang kanilang pagkamalikhain sa maibibigay na gawain ng guro na sa huliay mapanonood satelebisyon ang kanilang mga sari-sarili sa binuong proyekto o gawain.

Ayon pa kay Gng. Lot Fortin, guro sa TLE “I-play mo lang nang i-play ang video, madaling masusundan ng mga bata ang leksiyon.” Ang pagkakaroon ng telebisyon sa aming paaralan ay nakatulong nang malaki ngayong malawak na ang teknolohiya at dahil dito mas napabilis ang pagkatuto namin sa mga aralin na ibinabahagi ng aming mga guro,” saad naman ng mag-aaral na si Regine Clarianes ng baitang 10-Silang.


Iba pang kuhang larawan na ginamit ang telebisyon sa loob ng silid-aralan na nagpakita ng napakalaking bahagi sa pagkatuto at pagpapagaan ng mga aralin sa klase.







Isinulat ni:


Josefina F. Arenas

San Juan National High School

Comments


Featured Posts
Archive
bottom of page