top of page

Kahandaan para sa Halalan

Muli na namang pinatunayan ng mga guro sa Elementarya ng Kabayanan ang pagmamahal sa bayan at sa bansa sa pamamagitan ng buong pusong paglilingkod sa naganap na Halalan 2022


Nakiisa ang mga guro ng Kabayanan sa naganap na Training of Electoral Board sa Marikina Convention Center noong ika-11 hanggang 31 ng Mayo 2022, kung saan ang mga guro ay hinasa at sinanay para sa kahandaan ng halalan. Matagumpay na naisagawa ang final testing and sealing sa Paaralang Elementarya ng Kabayanan noong ika-3 ng Mayo taong kasalukuyan. Ipinamalas ng mga guro ang kanilang husay at kaalaman na natutuhan sa mga isinagawang training ng COMELEC.

Pinangunahan ni Ginang Hernanda R. Santos, punong guro ng Paaralang Elementarya ng Kabayanan, ang mga guro para sa Eleksyon 2022. Masaya at masiglang nagkaisa ang mga guro sa pagliinis ng mga silid aralang gagamitin para maging polling precincts at waiting area.

Naglagay rin ng directory board upang lalong malinaw sa mga botante kung saan sila pupunta at maghihintay sa araw ng halalan. Nagpaskil din ang mga guro ng cluster precinct form para mapadali at maging maayos ang pagboto.


Kailanman ay hindi matatawaran ang dedikasyon at serbisyo ng ating mga guro. Mabuhay ang kaguruan ng bayan!






Article Written by:


Lexter M. De Belen

Teacher II

Kabayanan Elementary School

Comments


Featured Posts
Archive

Contact Us

Schools Division Office - San Juan City
Pinaglabanan St., San Juan City 1500

(02) 8250-4528

transparency_seal_small.png
FOI%20logo_edited.png

RELATED LINKS

deped san juan city
deped san juan city
deped san juan city
deped san juan city
deped san juan city
deped san juan city
DepEd_MATATAG_BagongPilipinas.png

© 2019 by Schools Division Office - San Juan City

bottom of page