top of page

EARLY REGISTRATION SA SDO – SAN JUAN CITY, INILUNSAD!

Layunin ng Department of Education (DepEd) na mapataas ang ACCESS at siguraduhin na ang lahat ng batang nasa edad na ng pag – aaral ay mapanatili kung hindi man ay maipasok sa paaralan.


Noong ika – 1 ng Pebrero 2020 ay inilunsad ng Schools Division Office (SDO) – San Juan City ang Early Registration na may temang “Makapag – Aral ay Karapatan Mo, Magpalista!” bilang pagtugon sa polisiya ng DepEd at sa nasabing layunin nito.

Sa unang araw ng paglunsad ng programa ay aktibo itong nilahukan ng lahat ng pampublikong paaralan sa ating lungsod. Bawat paaralan sa pangunguna ng mga punong guro, guro, samahan ng mga magulang, lokal na pamahalaan, opisyal ng barangay at pribadong sektor ay sama – samang nag – ingay, pumarada, at nagbigay impormasyon sa pamamagitan ng mga flyers, tarpaulin at social media bilang hudyat na maari ng magpalista ang mga batang nasa tamang edad na papasok sa paaralan sa taong panuruan 2020 - 2021. Samantalang ang mga Division Personnel naman ay nag – ikot upang makapagbigay ng Technical Assistance upang masiguro ang maayos na pagpapalista.


Sa unang araw pa lamang ay nakapagtala na ng 368 na bata sa lahat ng paaralan at antas sa elementarya, samantalang ang sekondarya ay nakapagtala ng 257 na mag – aaral.


Mula araw ng Lunes hanggang Sabado, simula sa ika – 1 ng Pebrero hanggang ika – 6 ng Marso ay bukas ang lahat ng pampublikong paaralan upang gabayan ang mga magulang at bata na nais magpalista. Ang mga interasado sa pagpapalista ay maaring magdadala lamang ng alin man sa mga sumusunod, Birth Certificate, Report Card o School Form 9 at School Form 10 bilang patunay na nasa tamang edad at grado ang bata.


Ang nasabing programa ay magtatapos sa ika – 6 ng Marso, 2020; subalit, matapos man ito ay maari pa rin magpalista sa lahat ng pampublikong paaralan.



Article written by

Demie S. Atienza - Planning Officer III


Featured Posts
Archive
bottom of page