top of page

Basic Course on First Aid para sa Alternative Learning System Learners


Ayon sa pag-aaral, sa kabila ng maraming kalamidad na tumatama sa bansa, mas maraming Pilipino pa rin ang nagsabing hindi sila handa at malaking balakid sa paghahanda ng mga Pilipino sa mga sakuna, ang kawalan ng pondo para rito at ang kawalan ng oras upang makapaghanda.


Walo sa bawat 10 Pilipino ang nagsabing wala rin silang tinatawag na "go bag" o iyong bag na nakahanda sa tuwina dadalhin na lamang kung sakaling kailangang lumikas. Nagpaalala ang mga eksperto na kailangang pag-usapan ng pamilya kung ano ang nararapat na gawin at lugar na pupuntahan sakaling mangyari ang anumang kalamidad. Kinakailangan ring maghanda rin ng go-bag o balde na may laman na pang-ilaw, pito para mag-signal sa paghingi ng tulong, first aid kit, pagkain, tubig, pera at mahahalagang papeles na nakalagay sa isang hindi nababasang lalagyan.


Isa sa mga layunin ng Alternative Learning System SDO – San Juan ay makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang magising ang kamalayang panlipunan ng mga mag-aaral nito bukod sa kaalamang pang-akademiko. Kailangang maging handa sila sa tunay na nangyayari sa kapaligiran tulad ng kalamidad at aksidente.

Ang Philippine Red Cross (San Juan Chapter) ang naging katuwang ng ALS upang muling makapagbigay ng mga bagong kaalaman ukol sa kalamidad at aksidente. Kaya Noong Nobyembre 8, 2019 isinagawa ang Basic Course on First Aid. Naging tapagsalita sina G. Emmanuel D. Bondad at Bb. Shela Deniega. Layunin ng nasabing gawain na mabigyan ng mas malalim na kaalaman at komprehensibong pagsasanay ang mga ALS learners tungkol sa mga dapat gawin sa oras ng kalamidad. Itinuro rin dito ang paglalapat ng pangunang lunas sa mga naaksidente. Kailangang mahalagang maintindihan ng mga mag-aaral ang pagiging handa sa lahat ng oras lalo na sa oras ng kalamidad.



Article written by:

Erwin C. dela Cruz - Education Program Specialist II (ALS)



Featured Posts
Archive

Contact Us

Schools Division Office - San Juan City
Pinaglabanan St., San Juan City 1500

(02) 8250-4528

transparency_seal_small.png
FOI%20logo_edited.png

RELATED LINKS

deped san juan city
deped san juan city
deped san juan city
deped san juan city
deped san juan city
deped san juan city
DepEd_MATATAG_BagongPilipinas.png

© 2019 by Schools Division Office - San Juan City

bottom of page