top of page

Edukasyon sa Likod ng mga Rehas

Isa na namang matagumpay na pagtatapos ng mga mag-aaral ng Alternative Learning System mula sa Bureau of Jail Management and Penology ng Lungsod ng San Juan ang ginanap noong Agosto 16, 2019. Binubuo ito ng 44 na mag-aaral na nakapiit ngayon sa kanilang pansamantalang tahanan. Isang patunay lamang ito na hindi hadlang ang kanilang pagkakapiit upang makamit ang kanilang pangarap, naging susi rin ang kanilang tiyaga at determinasyon upang magpatuloy ng edukasyon sa likod ng mga rehas. Nagbigay ito sa kanila ng bagong pag-asa, kung sakali mang sila ay lumaya. Nasaksihan ito ng ating Ikalawang Punong Lungsod, Kgg. Warren Villa, bilang panauhing pandangal.

Ang paksang diwa ng pagtatapos para sa taong ito ay “Pagkakaisa sa Pagkakaiba-iba: Kalidad ng Edukasyon Para sa Lahat”, na nagbigay pag-asa sa mga nagsipagtapos upang ipagpatuloy ang kanilang pagpupunyagi upang maabot ang kanilang hangarin na makamit ang tagumpay sa pamamagitan ng ALS. Isang pagbubukas ng panibagong oportunidad para sa ating mga kababayan na nasa loob ng piitan.

Kaisa ang ating mga BJMP Warden na sina J/SINSP. Leonardo C. Lavela at J/SINSP. Rhodora L. Mendoza, sa pagsasawa ng programa ng ALS. Kasama ang pamahaalang lokal sa pangunguna ng ating butihing Punong Lungsod, Kgg. Francisco Javier M. Zamora at ng ating minamahal at masipag na Nanunuparang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan sa pamumuno ni Dr. Alejandro G. Ibañez, kayo ay patuloy na maging inspirasyon ng ating mga mag-aaral ng Alternative Learning System dito sa ating lungsod.



Article written by:

Erwin C. Dela Cruz (Education Program Specialist II - ALS)



Featured Posts
Archive
bottom of page